|
akozgean n. - isang illegal alien mula sa Mars Plutonium
na nagpapanggap bilang tao sa mundo ng mga tao. syet 16 (3/9/89).
pinagpala ng malalabong mata, ano ang silbi ng contact lens kung wala yun diba?
PARA MAG-IWAN NG MENSAHE, CLICK MO DITO! =P
|
MOVED
Thursday, April 20, 2006
|
|
|
Bagong lungga sa web...
Friday, April 14, 2006
|
|
May bago na kong bahay.
http://akosigean.alter-egoz.net Salamat kay Ate Mitch sa lahat. Hehe.
At sa mga nag-offer ng tulong tulad ni Ate Scart.
Salamat talaga ng marami xenio. Buti nalang may mga taong tulad nio. Hehe. :)
Sa ngayon, wala pang laman yung site na yun, inaayos ko pa po. Daan kayo some other time. It will be up in a couple of days.
:)
|
|
Seryosong bagay...
Tuesday, April 11, 2006
|
|
Magulo ang buhay ko ngayon. May nagawa akong malaking kasalanan. Madaming nasaktan, yung mahahalagang tao pa sa buhay ko.
Malungkot, pakiramdam ko nag-iisa ako. Yung dapat na kadamay ko ngayon, hindi ko man lang ma-contact. Pakiramdam ko ang layu-layo niya. Pakiramdam ko ako yung naiwan sa ere, nag-iisa, walang kapit, lutang, lumilipad pero walang patutunguhan.
Maraming tao ang galit sakin alam ko. Nasaktan ko sila ng sobra e. Kasalanan ko. Kasalanan namin. Yung mga kaibigan ko hindi na din alam kung ano ang ipapayo sa 'kin. Nasaktan ko din kasi sila e, pinag-alala ng sobra.
Ngayon, baka hindi muna ako mag-aral ng isang sem. Sabi ng nanay ko balak niya na mag-stop muna ko. Mag-isip isip daw muna ako. Siguro tama na din yun. Magpalamig muna ko, mag-isip kung ano gusto kong mangyari sa buhay ko. Yung last post ko ata related sa goodbye sa Baliuag University. Nagbibiro lang ako nung mga panahon na yun, pero ngayon seryoso na ako. Akalain niyo, magkakatotoo pala yun. Hai. Pati yung mga secret na balak ko na naka-save sa calendar ng phone ko magkakatotoo pala lahat.
-------
I NEED YOUR HELP: Kelangan ko ng pera nowadays. Kelangan ko makaipon ng malaking pera. Basta. Balak ko magfreelance kaya babalik ako sa webdesigning, web development. Kelangan ko po ng mag-hohost, if you are willing to help, please email me at akosigean@yahoo.com. It will be a great help. Thanks.
|
|
Paalam Buraot University...
Friday, March 24, 2006
|
|
Sa wakas bakasyon na. Tapos na paghihirap ko sa isang sem na maraming panget na nangyari sa buhay ko.
Emo mode.
Oo. Maraming nangyaring kapestehan sakin at kung iisa-isahin ko pa lahat yun, babalik lang lahat ng sakit na naramdaman ko. Kaya wag nalang ikwento kung ano ang mga yun. Hai.
Balik sa kasalukuyang buhay.
Basta, masaya kasi tapos na sem na 'to. Hehe. Paalam Pamantasang Buraot na mahilig mamburaot, paalam sa aking cute na cute na uniform (dahil parang uniform ng bata, maliit kasi ako) at paalam sa mga tae sa iskul (kabilang ang mga pesteng nagpawindang ng buhay ko). Alam kong hindi pa tama na magpaalam na ako sa kanila dahil baka next sem mag-aral pa rin ako dun. Kaso naisip ko lang, hindi naman natin alam ang mangyayari sa buhay natin kaya mabuti na yung magpaalam bago ang lahat. Hehe.
Malay mo next sem hindi na pala ako makapag-aral. Malay lang naman di ba? Hindi rin natin masasabi kung ano ang mga pwedeng mangyari.
Ayun.
Basta masaya ako kasi bakasyon na. Ang kulet mo Gean, ang kulet. Hehe.
|
|
Sana lang...
Thursday, March 16, 2006
|
|
Nagui-guilty ako. Naging unfair ako. Naging madaya ako. Hindi ako deserving. May nagalit sakin... Guilty ako.. Kaya masakit.
Nag-usap na kami. Sabi niya ayos na daw lahat. Ok na kami. Niyakap niya ko nang mag-sorry ako. Sana totoo na lahat.
Gusto ko na ng tahimik na buhay. Yung dating masaya kong buhay.
|
|
|
|